![]()
Kinumpirma ni Cavite 4th Dist. Rep. Francisco “Kiko” Barzaga na nahaharap ito sa kasong inciting to sedition at inciting to rebellion.
Sa impormasyon, sinampahan kahapon ng dalawang kaso ang mambabatas ni Police Capt. Aaron Blanco ng Criminal Investigation and Detection Group-Major Crime Investigation Unit ng PNP.
Kasama rin sa kumalat sa social media ang kopya ng subpoena kay Barzaga, na nagmula sa Office of the Prosecutor ng Quezon City.
Nakasaad sa subpoena na pinaharap ang bagitong kongresista sa November 18 at 25, ganap na alas tres ng hapon, para sa preliminary investigation ukol sa inciting to sedition at inciting to rebellion cases na kinakaharap nito.
Pinagsusumite na rin ito ng kanyang counter affidavit.
Sa pag-uusisa ng House media kay Barzaga, kinumpirma nito ang kaso at matapang pang sinabi na, natatakot na sa kanya ni Pang. Ferdinand Marcos, Jr., kaya sinampahan na siya ng mga kaso.
