dzme1530.ph

Cojuangco, nilinaw ang pahayag tungkol sa baha sa Cebu

Loading

Iginiit ni Pangasinan 2nd District Rep. Mark Cojuangco na hindi nito layuning sisihin ang mga biktima ng Bagyong Tino sa Cebu, matapos na umani ng batikos sa social media dahil sa komento nito tungkol sa pagtatayo ng mga bahay sa flood plain.

Paliwanag ng kongresista, mali ang pagkaunawa ng ilan sa kanyang pahayag at hindi ito dapat bigyang-kahulugang paninisi sa mga residente.

Sinabi ni Cojuangco na ang video na kanyang tinukoy ay nagpapakita ng isang housing area sa tabi ng drainage channel na tila sira, mas mataas kaysa sa mga kalapit na bahay, at masyadong makitid para sa malakas na agos ng tubig.

Dagdag pa nito, batay sa nakita sa video, posibleng may pagkukulang sa disenyo ng drainage system na nakadagdag sa matinding pagbaha at dapat itong siyasatin nang maayos.

About The Author