![]()
Tiniyak ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na patuloy ang on-the-ground assessment sa mga paliparan upang matiyak ang structural integrity ng mga ito.
Agad sinimulan ang pagkukumpuni sa mga nasirang bahagi ng passenger terminal building ng Bicol International Airport dulot ng Super Typhoon Uwan.
Ipinag-utos din ni Transportation Acting Sec. Giovanni Lopez ang on-the-ground assessment sa iba’t ibang transport hubs na tinamaan ng bagyo upang agad itong makumpuni at magamit ng mga komyuter at pasahero.
Pinasisiguro rin ni Lopez na gawing mas matibay ang pagsasaayos ng mga paliparan upang makayanan ang pananalasa ng mga susunod pang bagyo.
Binigyan ng Department of Transportation (DOTr) ng dalawang linggo ang pamunuan ng Bicol International Airport upang ayusin ang nasirang kisame.
Sa pangkalahatan, maayos pa rin ang operasyon sa paliparan at wala namang malaking pinsala sa kabuuang istruktura nito.
