dzme1530.ph

NNIC pinaalalahanan ang mga pasahero na siguruhin ang flight schedule bago magtungo sa airport

Loading

Bagama’t tuloy-tuloy na ang flight operations sa mga paliparang naapektuhan ng nagdaang Super Typhoon Uwan, pinaalalahanan pa rin ng New NAIA Infrastructure Corporation (NNIC) ang mga manlalakbay na kumpirmahin muna ang kanilang flight schedule direkta sa kani-kanilang airline bago magtungo sa paliparan.

Ayon sa NNIC, may ilang pasaherong hindi agad nakapag-rebook matapos ang pananalasa ng bagyo, dahilan upang kanselahin ang ilang biyahe patungo sa mga lalawigang matinding hinagupit ni Uwan.

Pinayuhan din ng NNIC ang publiko na tingnan ang pinakabagong flight updates sa opisyal na website o social media pages ng kani-kanilang airline.

Nananatili pa rin sa heightened alert ang NAIA, kung saan may mga grupong naka-deploy sa mga terminal upang tulungan ang mga pasahero at matiyak ang ligtas na operasyon sa paliparan.

About The Author