dzme1530.ph

Senado, ‘di dapat gawing santuaryo ni dela Rosa

Loading

Hindi pabor si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na gawing santuaryo o taguan ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa ang Senado sakaling lumabas na ang warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC).

Kahapon ay no show si dela Rosa sa muling pagbabalik ng sesyon ng Senado matapos ang halos isang buwang break.

Sinabi ni Cayetano na magkakaroon lamang ng tensyon kung sa gusali mismo ng Senado magtatago si dela Rosa upang maiwasan ang pag-aresto.

Ipinaliwanag ng lider ng minorya na hindi pinag-uusapan dito ang institusyon ng Senado, dahil mas mahalaga ang demokrasya, kalayaan, at soberanya.

Kasabay nito, umaasa si Cayetano na kung sakaling mailabas na ang warrant of arrest, hindi matutulad si dela Rosa kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na agad isinuko ng bansa sa The Netherlands.

Dapat aniya ay dumaan sa lokal na korte ang pag-aresto sa senador bilang pagkilala sa sariling batas ng bansa.

About The Author