dzme1530.ph

Suplay ng kuryente ngayong Christmas season, tiniyak ng Meralco

Loading

Tiniyak ng Meralco na walang ipatutupad na rotational brownout sa pagpasok ng Christmas season.

Sa panayam ng DZME Radyo TV, sinabi ni Meralco PR Head Claire Feliciano na ang malawakang brownout noong Linggo ay bunsod ng mga nasirang pasilidad ng electric company matapos ang pananalasa ng bagyong Uwan.

Nilinaw din ni Feliciano na mas mababa ang konsumo ng kuryente ng mga konsyumer tuwing Ber months kumpara sa panahon ng tag-init.

Mas binabantayan din anila ang kaligtasan ng bawat pamilya, lalo na sa paggamit ng Christmas electric decorations sa mga tahanan sa panahon ng Kapaskuhan.

About The Author