dzme1530.ph

King Charles III, nagpaabot ng pakikiramay sa mga Pilipino

Loading

Nagpahayag ng pakikiramay sina United Kingdom King Charles III at Queen Camilla sa mga Pilipinong naapektuhan ng mga bagyo at lindol na tumama sa bansa sa nakalipas na dalawang buwan.

Sa mensahe, sinabi ng hari na labis itong nababahala sa pinsalang dulot ng mga bagyo at pagbaha, gayundin sa mga lindol noong Oktubre. Nagpahatid din ito ng pakikiramay sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay at binigyang pugay ang mga rescuer na nasawi habang tumutulong sa operasyon.

Dalawang lindol na may lakas na 6.9 at 7.4 magnitude ang yumanig sa Cebu at Davao Oriental noong Setyembre at Oktubre. Kasunod nito, ilang malalakas na bagyo, kabilang ang super typhoon Uwan, ang nanalasa sa Luzon at Visayas na nagdulot ng malawakang pinsala.

Nagpahayag din ng pakikiramay ang Canada at Ireland sa mga nasalanta, kung saan tiniyak ng Canadian Embassy na makikipag-ugnayan ito sa pamahalaan at mga humanitarian agency upang makatulong sa relief at recovery efforts.

About The Author