dzme1530.ph

Budget dep’t., naglabas ng P1.68-B para mapunan ang pondo ng ilang ahensya

Loading

Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagre-release ng 1.684 billion pesos para mapunan ang quick response funds (QRF) ng ilang ahensya.

Kinabibilangan nito ang Department of Agriculture (DA), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Philippine Coast Guard (PCG).

Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na inilabas ang pondo para sa mga ahensyang nangunguna sa disaster response, gaya ng DA, na humiling na i-replenish ang kanilang QRF dahil maraming magsasaka at mangingisda ang naaapektuhan tuwing may kalamidad.

Nag-release ang DBM ng isang bilyong pisong alokasyon para sa recovery efforts ng Department of Agriculture, kabilang na ang posibleng epekto ng super typhoon Uwan.

Tumanggap naman ang DSWD ng 631.023 million pesos para mapunan muli ang kanilang 2025 QRF.

P53.007 million naman ang inilaang pondo sa PCG para palakasin ang kanilang relief, rehabilitation, at search and rescue operations tuwing may kalamidad.

About The Author