![]()
Patuloy na nakaaapekto ang cyberbullying sa maraming estudyanteng Pilipino, kaya’t binibigyang-diin ng Globe ang kahalagahan ng digital empathy at accountability, mga pangunahing prinsipyo ng Digital Thumbprint Program (DTP).
Ani Yoly Crisanto ng Globe, “To our T.I.P. ambassadors, every click, comment, and share leaves a mark. Let those marks reflect integrity, empathy, and respect. T.I.P.’s vision is anchored on technology and inclusion and we believe that the responsible use of today’s technologies start with you.”
Inaanyayahan ng Globe ang mga eskuwelahan sa buong bansa na lumahok sa programa at makipagtulungan sa pagpapatupad ng Digital Thumbprint Ambassadorship Program, na nagbibigay-lakas sa mga estudyante na pangunahan ang mga pagsisikap sa pagtatayo ng mas ligtas at mas mapagkalingang online community.
Sa pamamagitan ng programang ito, makakatulong ang mga eskuwelahan sa pagpapalakas ng empatiya, pagpigil sa cyberbullying, at pagpapaigting ng responsableng digital citizenship sa kabataang Pilipino.

