dzme1530.ph

Situation briefing sa PSC hinggil sa pagtugon ng gobyerno sa Bagyong Uwan, pinamunuan ni PBBM

Loading

Pinamunuan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang situation briefing sa Presidential Security Command (PSC) – Command Operations Center kaninang umaga upang talakayin ang pinakahuling ulat sa pagtugon ng pamahalaan sa epekto ng Bagyong Uwan.

Ayon sa Office of Civil Defense (OCD), ang Pangasinan ang pinakamalubhang naapektuhang lalawigan dahil sa malawakang pagbaha, kung saan mahigit 426,000 pamilya ang nailikas sa pamamagitan ng pre-emptive evacuation.

Iniutos na rin ng Pangulo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Health (DOH) ang tuloy-tuloy na paghahatid ng tulong at serbisyong medikal sa mga evacuation center. Kasabay nito, inutusan din ng Pangulo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na agarang simulan ang rehabilitasyon ng mga nasirang kalsada.

Binigyang-diin ni Marcos Jr. ang kahalagahan ng patuloy na koordinasyon at mahigpit na pagmamanman ng mga ahensya ng pamahalaan habang nagpapatuloy ang recovery efforts mula sa magkakasunod na bagyo.

About The Author