dzme1530.ph

Magsisi sa mga kasalanan at ibalik ang mga ninakaw na pera ng taumbayan, panawagan ni Cardinal David sa mga korap na opisyal

Loading

Binigyang-diin ni Cardinal Pablo Virgilio David na ang paghingi ng kapatawaran para sa katiwalian sa publiko, partikular ang may kinalaman sa infrastructure projects, ay nangangailangan ng tatlong mahahalagang hakbang.

Kinabibilangan aniya ito ng pag-amin sa maling ginawa, pagsisisi sa kasalanan, at pagbabalik ng mga ninakaw na pera ng taumbayan.

Ginawa ng kardinal ang pahayag sa gitna ng patuloy na panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na wakasan na ang korapsyon sa bansa sa pamamagitan ng mapayapa at naaayon sa batas na pamamaraan.

Inilarawan ng CBCP president ang korapsyon bilang isang “mortal sin.”

Pinagtibay din ni Cardinal David ang pakikiisa ng Simbahan sa publiko sa pagde-demand ng pananagutan at hustisya sa mga nagkasala sa pandarambong at maling paggamit ng pondo.

About The Author