![]()
Pinadaragdagan ni Sen. Camille Villar ang pondo ng Department of Science and Technology (DOST) at mga attached agencies nito, kabilang ang Philippine Space Agency (PhilSA), para sa susunod na taon.
Ito ay upang madagdagan ang pondo para sa mga programang magpapalawak ng scholarship at magpapalakas ng inobasyon at pananaliksik sa hanay ng kabataan.
Sinabi ni Villar na ito ay mahalaga upang mapaunlad at maihanda ang bagong henerasyon ng mga kabataang Pilipino na maging bihasa sa larangan ng agham at teknolohiya.
Kabilang sa tututukan ng dagdag pondo ang mga iskolar sa agham, partikular sa ilalim ng Philippine Science High School System.
Kabilang din dito ang mungkahing karagdagang ₱300 milyon na pondo upang mapataas ang buwanang benepisyo ng mga iskolar at masuportahan ang pagdami ng mga mag-aaral.
