dzme1530.ph

Ilan pang senador, patuloy ang pag-ayuda sa mga biktima ng bagyong Tino

Loading

Patuloy ang pagpapaabot ng tulong ng ilang senador sa mga sinalanta ng bagyong Tino.

Binigyang-diin ni Sen. Lito Lapid na hindi biro ang pinagdaanan ng ating mga kababayan sa Cebu matapos ang doble dagok na kanilang naranasan, na bukod sa binagyo ay nilindol pa kamakailan.

Inihahanda na ng tanggapan ni Lapid ang mga tulong na kailangan ng mga kababayang biktima ng kalamidad.

Samantala, nagtungo si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa Mandaue, Cebu para mamahagi ng relief goods sa mga residente.

Batay sa social media post ng mambabatas, ang tulong ay hindi galing sa kanya kundi group effort ng mga sumusuporta mula sa Mindanao.

Bumisita na rin si Sen. Christopher “Bong” Go sa iba’t ibang bahagi ng Cebu upang magpaabot ng tulong, at nanawagan sa national government na gamitin ang lahat ng available resources upang maibalik sa normal sa lalong madaling panahon ang buhay ng mga nasalanta.

Ang ilang senador naman ay tahimik ding nagpapadala ng kanilang mga tulong na idinaraan sa mga lokal na pamahalaan ng bawat lugar.

About The Author