dzme1530.ph

Mga sinalanta ng bagyong Tino, ‘di dapat pabayaan sa gitna ng paghahanda sa panibagong bagyong posibleng manalasa sa Luzon

Loading

Umapela si Senador Christopher “Bong” Go sa gobyerno na huwag pabayaan ang Visayas na matinding sinalanta ng bagyong Tino.

Ito ay sa gitna na rin ng paghahanda ng lahat sa isa pang bagyong posibleng manalasa sa Kalakhang Luzon.

Nakikiusap ang senador sa national government na tutukan din ang agarang pagbabalik sa normal ng pamumuhay ng mga kababayan, partikular sa Visayas kung saan naroroon ang bulto ng mga biktima at mga nasira ng bagyong Tino.

Matapos masaksihan ang sitwasyon ng mga kababayan sa Cebu, muling iginiit ni Go na marapat na matiyak ng pamahalaan at mga LGU na naipapatupad ang Republic Act No. 12076 o ang Ligtas Pinoy Centers Act.

Sa tindi ng pinsala sa Cebu, kinakailangan aniya na magkaroon ng ligtas at disaster-resilient na evacuation centers hindi lang sa nasabing lugar kundi sa lahat ng lalawigan sa bansa.

 

About The Author