dzme1530.ph

DOH at mga LGU, hinimok na manatiling alerto sa epekto ng bagyong Tino

Loading

Umapela si Senador Christopher “Bong” Go sa Department of Health (DOH) at sa mga lokal na pamahalaan na manatiling alerto sa mga posibleng epekto ng pananalasa ng bagyong Tino.

Binigyang-diin ni Go ang kahalagahan ng kahandaan, koordinasyon, at mabilis na pagresponde upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga apektado ng kalamidad.

Pinaalalahanan din ng senador ang mga LGU na palaging iprayoridad ang kalusugan at kaligtasan ng komunidad, partikular sa mga vulnerable at low-lying areas.

Ayon sa kanya, sa panahon ng kalamidad, walang dapat maging kampante.

Bukod sa rescue at evacuation, dapat ay may sapat na gamot, pagkain, at malinis na tubig sa mga evacuation centers.

Muling iginiit ni Go ang pangangailangan ng malinaw na sistema tuwing may bagyo o lindol, kabilang ang matatag na istruktura at koordinasyon upang maging mabilis ang aksyon at hindi maantala ang pagdating ng tulong.

About The Author