dzme1530.ph

1.4 milyong kabahayan sa Visayas, wala pa ring kuryente kasunod ng pananalasa ng bagyong Tino

Loading

Aabot sa 1.4 milyong kabahayan ang wala pa ring supply ng kuryente sa Visayas kasunod ng pananalasa ng Typhoon Tino, ayon sa Department of Energy (DOE).

Sinabi ni Energy Undersecretary Felix William Fuentebella na ang bilang ng mga apektadong koneksyon ay maaaring katumbas ng tinatayang pitong milyong residente na nagtitiis sa kawalan ng kuryente bunsod ng bagyo.

Sa bahagi naman ni Energy Secretary Sharon Garin, inihayag nito na malaking trabaho ang pagbabalik ng suplay ng kuryente, subalit tiniyak niya na kumikilos na ang mga nasa ground, kahit gabi, para magkaroon muli ng elektrisidad sa mga kabahayan.

Sa datos mula sa National Electrification Administration (NEA), as of 2 p.m. ng Nobyembre 4, kabuuang 53 electric cooperatives ang naapektuhan ng bagyong Tino.

Matatagpuan ang mga ito sa sampung rehiyon, kabilang ang Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, at Negros Island.

About The Author