![]()
Full blast ang Tingog Party-List at si former Speaker Martin Romualdez sa pamamahagi ng tulong sa mga residente ng Leyte 1st district na naapektuhan ng bagyong Tino.
Sa bayan ng San Miguel, Leyte, binuksan ang family-oriented evacuation hub na proyekto ni Romualdez, na nagsisilbing modelo sa disaster preparedness.
Ayon kay Rep. Jude Acidre, noong Linggo binuksan ni San Miguel Mayor Norman Sabdao ang shelter para sa 549 pamilya o 2,072 indibidwal.
Ang evacuation complex ay may nakahiwalay na family rooms, breastfeeding area para sa mga ina, malinis at komportableng restrooms, maayos na sleeping quarters, at storage para sa relief goods.
May espasyo rin para sa mga senior citizen, person with disabilities, at mga bata, na tinawag ni Acidre bilang “home in times of need.”
Bukod sa San Miguel, nagpadala rin ng relief goods sa Alang-Alang, Tanauan, Sta. Fe, Tolosa, Babatngon, at sa Our Lady of Fatima Parish sa Tacloban City.
Nagpadala rin ng tulong si Romualdez at Tingog sa Baybay City at sa Silago, Southern Leyte, na kapwa hardy hit ng bagyo.
