dzme1530.ph

Kongreso iniimbestigahan ang Chinese company sa large-scale dredging sa Zambales

Loading

Isang Chinese company ang pinaiimbestigahan sa Kongreso dahil sa large-scale dredging at extraction sa San Felipe, Zambales.

Sa House Resolution No. 424 na inakda ni Mamamayang Liberal Party-List Rep. Leila de Lima, tinukoy ang China Harbour Engineering Company Ltd. (CHEC) bilang nasa likod ng mga aktibidad.

Ayon sa ulat, ang CHEC ay isang state-run subsidiary ng China Communications Construction Company (CCCC).

Ayon sa Zambales Ecological Network, Save Our Shores Zambales, at Institute for Area Management, mapanlinlang ang DENR Administrative Order No. 2019-13. Bagama’t ipinapahayag anila ng DENR na river restoration ang proyekto, sa katotohanan ay large-scale sand mining at extraction ang isinasagawa, na itinatago sa ilalim ng public infrastructure initiatives.

Naniniwala si De Lima na kailangan ang congressional oversight upang suriin ang partisipasyon ng dayuhang contractor sa environmentally sensitive projects. Duda ng mambabatas na lumalampas na sa layunin nitong “flood control at river restoration” ang aktibidad, na maaaring magdulot ng environmental degradation at social harm.

About The Author