![]()
Kinansela ng Cebu Pacific ang 145 domestic flights ngayong araw hanggang bukas, Nobyembre 5, 2025, dahil sa malakas na ulan at hangin na dala ng bagyong Tino.
Sa abiso ng airline, kabilang sa mga apektadong biyahe ang:
Manila–El Nido–Manila
Cebu–Coron (Busuanga)–Cebu
Clark–Masbate–Clark
Clark–San Jose–Clark
Cebu–Cagayan de Oro–Cebu
Cebu–Bacolod–Cebu
Cebu–Calbayog–Cebu
Cebu–Tacloban–Cebu
Cebu–Dipolog–Cebu
Cebu–Caticlan–Cebu
Clark–Caticlan–Clark
Cebu–Pagadian–Cebu
Cebu–Camiguin–Cebu
Cebu–Siargao–Cebu
Cebu–Ozamiz–Cebu
Davao–Siargao–Davao
Cebu–Butuan–Cebu
Cebu–Boracay–Cebu
Iloilo–General Santos–Iloilo
Cebu–General Santos–Cebu
Iloilo–Puerto Princesa–Iloilo
Manila–Roxas–Manila
Cebu–Zamboanga–Cebu
Manila–Iloilo–Manila
Manila–Bacolod–Manila
Manila–Tacloban–Manila
Manila–Boracay–Manila
Clark–Boracay–Clark
Clark–Iloilo–Clark
Iloilo–Manila–Iloilo
Cebu–Clark–Cebu
Davao–Boracay–Davao
Dalawang international flights mula Cebu patungong Japan din ang kanselado bukas:
Cebu–Narita–Cebu
Cebu–Osaka–Cebu
Ayon sa Cebu Pacific, nakikipag-ugnayan na ito sa airport authorities upang matiyak ang kaligtasan ng ground personnel at mga pasahero.
Naabisuhan na rin ang mga apektadong pasahero sa pamamagitan ng email. Maaari naman ang mga itong pumili ng alternatibong flight sa pamamagitan ng Manage Booking portal ng Cebu Pacific website, para sa biyahe sa loob ng 30 araw mula sa orihinal na petsa ng flight, nang walang karagdagang bayad o penalty.
								