![]()
Isinusulong ni Sen. Loren Legarda ang mas sistematikong reporma sa Department of Education (DepEd) na mag-uugnay sa aktuwal na sitwasyon sa mga silid-aralan at sa layunin ng pag-unlad ng bansa.
Batay sa pagsusuri ng EDCOM II, binigyang-diin ni Legarda na patuloy pa ring pasan ng sistema ng edukasyon ang malalalim na suliraning pang-istruktura, kabilang ang kakulangan ng 165,000 classrooms at tanging 30 porsyento lamang ng mga paaralan ang nasa maayos na kondisyon.
Pinuri naman ni Legarda ang mga hakbang ng DepEd upang tugunan ang mga problemang ito, gaya ng paglikha ng 20,000 bagong posisyon para sa mga guro at 10,000 Administrative Officer II.
Itinulak din ni Legarda ang pagpapatupad ng National Environmental Awareness and Education Act of 2008, na siya mismo ang may-akda, at tinanong kung paano itinuturo ang kultura at kasaysayan sa mga paaralan.
Pinagtibay ng senadora na layunin ng pagsusuri ng EDCOM II na ihanay ang pamamahala sa edukasyon sa nasusukat na resulta ng human development.
