dzme1530.ph

Preliminary investigation sa limang ghost flood control projects sa Bulacan, itinakda ng DOJ sa susunod na linggo

Loading

Naglabas ang Department of Justice (DOJ) ng mga subpoena laban sa respondents sa mga reklamong kinasasangkutan ng limang ghost flood control projects sa Bulacan.

Ayon kay Prosecutor General Richard Fadullon, para ito sa isasagawang preliminary investigation na sisimulan sa Nobyembre 10, o sa susunod na Lunes.

Sinegundahan ito ni DOJ Officer-in-Charge Fredderick Vida, sa pagsabing ilan sa mga subpoena ay personal na isinilbi noong nakaraang linggo.

Una nang inihain ng kagawaran ang kanilang rekomendasyon na sampahan ng graft, malversation, perjury, at falsification of public documents charges ang mga opisyal ng Bulacan First District Engineering Office ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Office of the Ombudsman.

Kinalaunan ay ibinalik ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang information laban sa respondents at inatasan ang DOJ para sa prosecution, kabilang na ang pagsasagawa ng preliminary investigation at pagsasampa ng mga kaso.

Matatandaang sinabi ni Justice Spokesperson Polo Martinez na target ng DOJ na tapusin ang preliminary investigation sa loob ng isang buwan.

About The Author