![]()
Nagpaliwanag si Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. kung bakit hindi nito kinausap ang Chinese counterpart sa katatapos lamang na 19th ASEAN Defense Ministers’ Meeting (ADMM) sa Malaysia.
Sinabi ni Teodoro na isang araw bago ang Defense Ministers’ Meeting sa Kuala Lumpur ay naglabas ng pahayag ang China na kailangang ayusin ng Pilipinas ang mga pamamaraan nito kung ayaw nitong magdusa sa kahihinatnan ng mga aksyon nito.
Aniya, kung sinsero ang China ay makikipag-usap ito, pero tila sampal sa mukha at hindi niya tatanggapin ang paratang ng China na bina-blackmail ito ng Pilipinas.
Idinagdag ng kalihim na sinusundan din nito ang pahayag ni Chinese President Xi Jinping sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa South Korea na labanan ang unilateral bullying.
Gayunman, nagtaka si Teodoro kung bakit kapag Pilipinas ang pumapalag ay ayaw ng China.
