dzme1530.ph

PBBM nanawagan ng mapayapang protesta sa harap ng ‘Trillion Peso March’

Loading

Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng mapayapang pagtitipon sa nalalapit na sequel ng “Trillion Peso March” na nakatakdang ganapin sa Nobyembre 30.

Sa panayam sa Busan, South Korea, inamin ng Pangulo na nauunawaan niya ang galit ng publiko sa mga ulat ng malawakang korapsyon sa mga proyekto ng gobyerno, lalo na sa flood-control programs.

Gayunman, binigyang-diin nito ang pangamba na maaaring samantalahin ng mga “agitators” ang protesta upang manggulo.

Ayon sa Pangulo, dapat iwasan ang anumang uri ng karahasan sapagkat wala itong mabuting maidudulot at kadalasang nagreresulta lamang sa pinsala sa mga demonstrador at maging sa mga pulis.

Samantala, tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na handa na sila para sa nakatakdang protesta upang maiwasan na maulit ang naitalang kaguluhan noong Setyembre 21.

About The Author