dzme1530.ph

Mga Pilipinong sundalo na lumaban sa Korean War, binigyang pugay ni PBBM

Loading

Tinapos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang apat na araw na pagbisita sa South Korea para sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit, kahapon, sa pamamagitan ng pagbibigay pugay sa mga Pilipinong sundalo na lumaban sa Korean War.

Kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang pag-aalay ng bulaklak, gayundin ang tree-planting activity sa United Nations Memorial Cemetery sa Busan.

Sa naturang sementeryo mababasa ang pangalan ng mga miyembro ng Philippine Expeditionary Forces to Korea (PEFTOK) na nakasulat sa memorial wall.

Ang Pilipinas ang unang bansa sa Southeast Asia na nagpadala ng mga sundalo sa Korea sa ilalim ng United Nations Command.

Sa pagitan ng 1950 hanggang 1955, 7,240 Filipino soldiers ang nagsilbi sa Korean War bilang bahagi ng PEFTOK.

About The Author