dzme1530.ph

Bahagi ng pondo para sa medical assistance, iginiit na gamitin para palawakin ang zero balance billing

Loading

Iginiit ni Sen. Sherwin Gatchalian na ilipat ang ilang bahagi ng ₱49-bilyong pondo ng Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) upang mapalawak ang zero-balance billing program ng gobyerno.

Sinabi ni Gatchalian na masakit makita na may mga kababayan pa rin tayong pumipila sa opisina ng mga pulitiko para humingi ng tulong.

Iginiit ng senador na mas dapat na ilagay ang pondo sa zero-balance billing program.

Kailangan aniya ayusin ang Universal Health Care para matiyak na lahat ng Pilipino ay may access sa dekalidad na serbisyong pangkalusugan nang hindi nababaon sa gastos.

Iginiit din ng Senate finance panel na sapat na dapat ang zero-balance billing program at ang PhilHealth para matulungan ang mga pasyente sa mga pampublikong ospital.

Gayunman, binigyang-diin ni Gatchalian ang pangangailangang palawakin pa ang kapasidad ng mga pampublikong ospital.

Nauna na nitong sinabi na marami sa mga ito ang lagpas na sa bed capacity.

Idinagdag ng senador na kapag naipatupad nang buo ang zero-balance billing program, posibleng lalo pang tumaas ang occupancy rate ng mga ospital.

About The Author