dzme1530.ph

Graft trial ni Sen. Jinggoy Estrada, itutuloy

Loading

Binigyan ng Supreme Court (SC) ng go signal ang Sandiganbayan para ipagpatuloy ang graft trial laban kay Senador Jinggoy Estrada kaugnay ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.

Sa isang pahayag, sinabi ng SC na ibinasura ng en banc sa kanilang October 28, 2025 session ang petition for certiorari o review na inihain ni Estrada.

Ayon sa Korte Suprema, ipinunto ng senador na ang graft charges laban sa kanya ay “deemed absorbed” ng plunder case kung saan siya ay pinawalang-sala.

Ipinaliwanag ng SC na ang absorption principle, kung saan ang isang offense ay isinama sa isa pa, ay hindi applicable sa pagitan ng graft at plunder maliban sa mga pambihirang kaso.

Bagaman nakabinbin pa rin ang graft cases ni Estrada sa Sandiganbayan, pinawalang-sala naman siya sa kasong plunder noong 2024.

About The Author