![]()
Pormal nang pinagana ng Armed Forces of the Philippines ang bagong military command sa bansa.
Sa seremonyang isinagawa sa Kampo Aguinaldo, inihayag ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. na layon at tungkulin ng bagong command na magsilbing strategic hub ng intelligence, operations, at civil-military function para sa mas mabilis na pagtugon sa mga hamon gaya ng cyber threats at disinformation.
Bukod dito, isu-supervise rin ng naturang unit ang mga aktibidad ng mga sundalong Pilipino kasama ang mga kaalyado tulad ng joint exercises.
Pangungunahan ito ni Philippine Air Force Maj. Gen. Fabian Pedregosa bilang Acting Commander ng AFP Strategic Command.
Sa pagpapagana ng naturang unit, inaasahang mapapasailalim nito ang pangangasiwa sa Balikatan Exercise sa susunod na taon at mga nagpapatuloy na Maritime Cooperative Activity sa West Philippine Sea.
Tiniyak naman ni Brawner na sa pagpapagana ng AFP Strategic Command, magiging one step ahead ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas, hindi lamang para tumugon kundi para maiwasan, mapigilan, at maprotektahan ang bansa sa anumang bantang kahaharapin nito.
