dzme1530.ph

PNP, binalaan publiko laban sa Airbnb scams at rent-tangay schemes ngayong Undas 2025

Loading

Nagbabala ang Philippine National Police sa publiko laban sa mga online scams gaya ng fake Airbnb listings at mga pagpaparenta ng sasakyan o rent-tangay schemes ngayong Undas 2025.

Inihayag ni PNP Spokesman BGen. Randolf Tuaño na maging maingat at mapagmatyag laban sa mga online scams ngayong marami ang mananamantala dahil sa pagdagsa ng mga uuwi sa probinsya para dalawin ang kanilang mga mahal sa buhay.

Saad ni Tuano, kapag too good to be true ang offer ng isang Airbnb online at renta ng sasakyan, paniguradong isa itong scam.

Katuwang ang Highway Patrol Group at Anti-Cybercrime Group, sa pagpapakalat ng information drive at checkpoints upang masiguro na maiiwas ang mamamayan sa mga ganitong uri ng panloloko.

Kasunod nito, magde-deploy ng higit 50,000 pulis personnel ang PNP sa mga terminal, sementeryo, kolumbaryo, at iba pang matataong lugar upang masiguro na ligtas, maayos, at payapa ang Undas 2025.

About The Author