![]()
Isinapubliko na ng 16 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) habang naghihintay pa ang Senate Secretary ng permiso ng walo pang senador upang ilabas na rin ang kanilang SALN.
Sa 16 na senador, may pinakamaliit na idineklarang networth si Sen. Francis “Chiz” Escudero na umaabot sa ₱18.84 milyon.
Pinakamayaman o may pinakamataas namang networth si Sen. Raffy Tulfo na umaabot sa ₱1.05 billion.
Pumangalawa naman sa may pinakamataas na networth si Sen. Erwin Tulfo na may ₱497.003 milyon; sumunod si Sen. Migz Zubiri, ₱431.78 milyon; Sen. Ping Lacson, ₱244.94M; Robin Padilla, ₱244.04M; Lito Lapid, ₱202.04M; Tito Sotto, ₱188.87M; JV Ejercito, ₱137.08M; Pia Cayetano, ₱128.29M; Sherwin Gatchalian, ₱89.52M; Bam Aquino, ₱86.55M; Loren Legarda, ₱79.21M; Joel Villanueva, ₱49.50M; Kiko Pangilinan, ₱26.73M; at Risa Hontiveros, ₱18.99M.
Wala namang naitalang pagkakautang sina Senators Raffy Tulfo, Escudero, Gatchalian, Aquino, Padilla, at Pangilinan.
Patuloy pang inaabangan ang permiso nina Senators Alan Peter Cayetano, Bato dela Rosa, Jinggoy Estrada, Bong Go, Rodante Marcoleta, Imee Marcos, Camille Villar, at Mark Villar.
