dzme1530.ph

Mas detalyadong line items sa national budget, isinusulong

Loading

Nais ni Sen. Sherwin Gatchalian na magkaroon ng mas detalyadong line items sa binabalangkas na pambansang pondo para sa 2026.

Iginiit ni Gatchalian na kailangan ng granularity o ang mas madetalyeng pagpopondo ay mag-aalis sa anumang espasyo para sa diskresyon na posibleng maging pagkakataon para sa katiwalian.

Sinabi ng senador na ito ay isang panawagan sa pagbabago para repormahin ang pagpapangalan, proseso, at implementasyon ng budget.

Tinutukoy ng senador ang mga iminungkahing proyekto tulad ng mga farm-to-market road (FMR) na walang tiyak na detalye, gaya ng station number, coordinates, at tinatayang haba, na maghihiwalay sa mga ito mula sa ibang proyekto sa imprastraktura.

Bilang pagbibigay-diin sa pangangailangang maitaas ang antas ng granularity, pinunto ni Gatchalian na ang isang iminungkahing road project para sa 2026 na may parehong pamagat, tulad ng isang road project na napondohan na sa ilalim ng budget noong 2025, ay nagbibigay ng butas para sa iregularidad o katiwalian.

Dapat anyang pagdating sa budget, wala nang room for discretion kung saan kapag approved na ang budget ay ipapatupad na lang ito ng tama.

About The Author