dzme1530.ph

Isa pang iregularidad sa proseso sa infrastructure projects ng DPWH, ibinulgar

Loading

Isa pang iregularidad kaugnay sa mga infrastructure projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang ibinulgar ni Senate President Pro Tempore Panfilo Ping Lacson.

Ito ay may kinalaman sa pagtanggap ni dating DPWH Sec. Manuel Bonoan ng sulat-kamay na memo para sa mga proyektong ieendorso sa DPWH na galing umano sa isang sibilyan o non-organic na tauhan ng ahensya.

Nagtataka si Lacson kung bakit mula sa isang non-organic na tauhan ang memo na inilarawan niyang parang “post-it note.”

Dahil hindi dumadaan sa official channel ang endorsement ng proyekto, naghihinala si Lacson na nagsosolo ng diskarte si Bonoan para kumita.

Naniniwala rin si Lacson na hindi sumunod si Bonoan sa proseso ng pagbuo ng budget matapos matuklasan at ikabigla ng senador ang “leadership fund” sa DPWH, kung saan kino-consolidate ng ahensya ang mga proposal ng mga mambabatas sa National Expenditure Program (NEP), kaya may pagkakataon ang mga kongresista na baguhin ang mga proyekto kahit hindi pa dapat ito pinahihintulutan.

Samantala, iniulat din ni Lacson na lumitaw sa pagsusuri ng Manila Regional Trial Court na hindi tugma ang pirma sa affidavit ni retired T/Sgt. Orly sa tunay na pirma ni Atty. Petchie Espera na umano’y nagnotarized ng affidavit.

Inirekomenda ng hukom na isailalim sa preliminary investigation si Guteza at ang mga sangkot sa pagpapasa ng affidavit para sa posibleng kasong falsification.

Inatasan na rin ni Lacson ang komite na imbitahan sa pagdinig ang kontraktor na gumagawa umano ng bahay ni dating Cong. Martin Romualdez, kasama na rin ang logbook ng proyekto, upang mapatunayan ang pahayag ni Guteza na naghatid siya ng salapi sa pagitan ng Disyembre 2024 at Agosto 2025.

About The Author