![]()
Binuksan ngayong araw ang Philippine Conference on Women, Peace and Security na may temang “Empowering Local Women, Peace and Security Champions as Agents in Socioeconomic Transformation.”
Layunin ng tatlong-araw na pagpupulong na palakasin ang partisipasyon ng kababaihan sa usapin ng kapayapaan at seguridad sa bansa.
Sa unang araw, tampok ang mga plenary at roundtable discussions na nakatuon sa pagpapalalim ng papel ng kababaihan sa pagtataguyod ng kapayapaan. Inilunsad din ang isang gallery na nagbibigay-pugay sa mga babaeng nagtaguyod ng Women, Peace, and Security initiatives.
Ang kumperensiya ay pinangungunahan ng DBM, OPAPRU, at Philippine Commission on Women, katuwang ang iba’t ibang ahensiya ng NSCWPS, at may suporta mula sa UN Women Philippines, UNDP Philippines, at PH Open Government Partnership.

