dzme1530.ph

Mayor Yap-Sulit, mariing tinutulan ang Comelec DQ

Loading

“Igalang ang kagustuhan ng taumbayan”

Mariing tinutulan ni Tarlac City Mayor Susan Yap-Sulit ang desisyon ng COMELEC en banc na nag-disqualify sa kanya sa puwesto, sabay iginiit na ang kanyang mandato ay malinaw na galing sa taumbayan.

Ayon kay Yap-Sulit, handa siyang magsumite ng mga ebidensya upang patunayan na matagal na siyang residente ng Tarlac City mula pa noong 2014.

Ipinagtaka rin ng alkalde kung bakit ngayon lamang binigyang bigat ang isyung residency, gayong nagsilbi na siya bilang gobernador ng Tarlac sa loob ng siyam na taon nang walang anumang reklamo o diskwalipikasyon.

Nanawagan ito na igalang ang boses ng mga botante at huwag balewalain ang boto ng taumbayan, na aniya’y tunay na diwa ng demokrasya.

Kasabay nito, nagpakita ng suporta sa kanya ang ilang grupo ng mga Tarlaqueño at ang League of Municipalities – Tarlac Chapter.

Giit ni Yap-Sulit, mananatili siyang nakatutok sa paglilingkod at hindi matitinag sa pagmamahal sa Tarlac.

About The Author