![]()
Nanindigan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. laban sa planong pagtatayo ng “nature reserve” sa Bajo de Masinloc, na aniya ay paglabag sa soberanya ng Pilipinas at sa karapatan ng mga mangingisdang Pilipino
Sa kanyang talumpati sa 13th ASEAN–US Summit na dinaluhan ni US President Donald Trump at iba pang world leaders, binigyang-diin ni Marcos na ang nasabing plano ay lumalabag sa karapatan ng bansa sa ilalim ng international law, kabilang ang 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at ang 2016 South China Sea Arbitration Award.
Giit ng Pangulo, ipagpapatuloy ng Pilipinas ang pagsusulong ng buong implementasyon ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea at ng Code of Conduct sa rehiyon.
Dagdag pa nito, mananatiling kalmado ngunit matatag ang Pilipinas sa pagtatanggol sa teritoryo nito at patuloy na magsusulong ng mapayapa at produktibong negosasyon upang maipatupad ang mga batas na nakabatay sa tama at katotohanan.
