dzme1530.ph

PBBM, binatikos ang mga iligal na hakbang ng China sa South China Sea sa ASEAN-US Summit

Loading

Tinuligsa muli ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang China sa mga iligal na aksyon nito sa South China Sea, sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Summits sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ginamit ni Pangulong Marcos ang summit bilang platform para ipabatid sa mga lider ng iba’t ibang bansa, partikular sa Amerika, ang mga pananakot at panggigipit na kinakaharap ng mga Pilipino sa rehiyon.

Ipinahayag ng Pangulo ang labis na pagkabahala sa dangerous maneuvers at coercive actions na naranasan ng mga Pinoy upang pigilan ang lehitimong aktibidad ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Sa kanyang intervention speech, walang tinukoy na partikular na bansa si Marcos, bagaman tanging China Coast Guard at Chinese maritime militia vessels lamang ang nasangkot sa agresibong maneuvers sa West Philippine Sea.

Binigyang-diin ng Punong Ehekutibo na ang mga naturang hakbang ay labag sa international law, partikular sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

About The Author