dzme1530.ph

Amihan season, nagsimula na –PAGASA

Loading

Idineklara ng PAGASA na nagsimula na ang northeast monsoon o amihan season, kaya asahan ang mas malamig na klima sa mga susunod na buwan.

Ayon sa state weather bureau, naobserbahan sa mga nakalipas na araw ang pag-igting ng high-pressure area sa East Asia, na nagdulot ng paglakas ng northeasterly winds sa extreme northern Luzon.

Gayundin ang iba pang environmental conditions, kabilang ang pagtaas ng atmospheric pressure at paglamig ng kapaligiran.

Sinabi rin ng state meteorologists na asahan ang paglakás ng monsoon sa susunod na dalawang linggo na maaaring magdulot ng masungit na lagay ng karagatan sa seaboards ng northern Luzon.

Inanunsyo ng PAGASA noong unang bahagi ng Oktubre na opisyal nang nagtapos ang southwest monsoon o habagat season sa bansa.

About The Author