dzme1530.ph

Mga rice farmer sa Bukidnon, nagpasalamat kay PBBM sa EO 100

Loading

Nagpaabot ng pasasalamat ang mga rice farmer ng Bukidnon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa nilagdaan nitong Executive Order No. 100.

Ayon kay Bukidnon Representative Jonathan Keith Flores, labis ang pasasalamat ng mga magsasaka sa probinsya dahil sa EO 100 ay masisiguro na nila ang patas na kita sa kanilang ani.

Batay sa kautusan, ang buying price ng gobyerno para sa dry o malinis na palay ay itinakda sa pagitan ng ₱17 hanggang ₱23 kada kilo.

Sinabi ni Flores na kasabay ng ipinatupad na rice importation ban at ng EO 100, masisiguro ng mga magsasaka ang maayos na kita hanggang sa susunod na taon.

Sa unang quarter ng 2025, nakapagtala ang Bukidnon ng produksyon na 136,000 metric tons ng palay.

Sa buong Northern Mindanao, na tinaguriang agriculture powerhouse, ang Bukidnon ang nag-ambag ng 71% ng kabuuang produksyon ng palay.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, ang agriculture, forestry, at fishing industry ay kumakatawan sa 48.2% ng gross domestic product (GDP) ng Bukidnon.

About The Author