dzme1530.ph

US Pres. Joe Biden, tinapos na COVID-19 National Health Emergency

Pormal nang tinuldukan ni US President Joe Biden ang COVID-19 National Health Emergency sa bansa.

Matapos ang mahigit tatlong taong pagsailalim ng Estados Unidos dito, nilagdaan na ni Biden ang isang batas na tatapos sa National Emergency bunsod ng COVID-19 pandemic.

Nangangahulugan ito na tapos na rin ang pagpopondo ng White House sa COVID tests, libreng bakuna at iba pang emergency measure na ipinagkaloob sa publiko simula noong January 2020.

Gayuman, hindi malinaw ang magiging epekto nito sa southern border ng Mexico, kung saan ang US authority ay matagal nang nagpupumilit na pamahalaan ang mga migranteng naghahanap ng asylum.

Samantala pinagaaralan na ng White House ang posibleng next generation vaccine at iba pang mga hakbang upang labanan at mapaghandaan ang anumang variant ng virus.

About The Author