![]()
Target ng Senado na mailatag na sa plenaryo ang panukalang 2026 national budget na nagkakahalaga ng ₱6.79 trilyon sa Nobyembre 11.
Ayon kay Senate Committee on Finance Chairman Sherwin Gatchalian, kasunod nito ang pagbuo ng internal technical working group (TWG) na magsasaayos sa mga hiling ng ilang ahensya ng pamahalaan na dagdagan ang kanilang pondo.
Balak ng Senado na kunin ang idadagdag na pondo mula sa mga ahensyang may kuwestiyunableng items o proyekto, tulad ng DPWH at iba pang departamento na hindi naman karapat-dapat sa dagdag na budget.
Gayunman, bago ito tuluyang aprubahan, ipapasangguni muna ito sa ehekutibo upang maiwasan ang kagaya ng nangyari ngayong taon, kung saan nagulat umano ang Malacañang sa mga pagbabago o dagdag-bawas sa budget ng ilang ahensya.
