dzme1530.ph

Mga lokal na korte, may isang buwan para desisyunan ang extradition cases –SC

Loading

Inaprubahan ng Supreme Court ang Rules on Extradition Proceedings na sumasaklaw sa mga kasong kinasasangkutan ng mga extraditee, na magiging epektibo sa Nobyembre 10, 2025.

Kabilang sa mga panuntunan ang mahigpit na timeline, gaya ng pagbibigay sa mga lokal na korte ng 30 araw para maglabas ng desisyon mula sa petsa ng presentasyon ng huling testigo.

Inihayag din ng Korte Suprema na dapat maisagawa ang pagdinig sa testigo sa loob ng isang araw lamang.

Binigyang-diin ng Supreme Court na dapat katigan ang kahilingan ng extradition mula sa requesting state kung umiiral ang prima facie case na nagpapatunay na ang petisyon ay alinsunod sa batas ng Pilipinas, sa umiiral na extradition treaty, at iba pang kaukulang probisyon.

Sa mga kasong inaapela sa Court of Appeals, itinakda ng Korte Suprema na dapat itong mapagpasyahan sa loob ng 90 calendar days. Ang desisyon ng appellate court ay ituturing na final at agad na ipatutupad.

Samantala, inatasan ng SC na ang mga extraditee na inaresto sa bisa ng warrant of provisional arrest ay dapat pansamantalang i-detain sa pasilidad ng National Bureau of Investigation (NBI).

About The Author