dzme1530.ph

Egypt at Red Cross, tumulong sa paghahanap sa labi ng mga bihag sa Gaza

Loading

Pinayagan ang mga team mula sa Egypt at International Committee of the Red Cross (ICRC) na tumulong sa paghahanap sa mga labi ng mga nasawing bihag sa Gaza.

Ayon sa Israeli government, binigyan ng permiso ang mga team na magsagawa ng operasyon sa labas ng tinatawag na “yellow line,” sa lugar na kontrolado ng Israel Defense Forces (IDF).

Batay sa ulat ng Israeli media, pinayagan din ang ilang miyembro ng Hamas na makapasok sa IDF-controlled area sa Gaza upang tumulong sa paghahanap, kasama ang mga team ng ICRC.

Itinurnover ng Hamas ang 15 sa 28 nasawing Israeli hostages sa ilalim ng unang yugto ng US-brokered ceasefire deal, kung saan obligadong ibalik ng grupo ang lahat ng labi ng mga bihag.

Ipinahayag ng Hamas na nakikipag-ugnayan din sila sa mga awtoridad ng Egypt kaugnay ng operasyon.

About The Author