![]()
Inamin ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na hindi pa sila tapos sa kaso ni Sen. Joel Villanueva hinggil sa 2016 dismissal order laban dito na binaliktad aniya ng pasekreto ni dating Ombudsman Samuel Martires.
Aminado si Remulla na nanlumo siya nang malaman na binaliktad ni Martires ang ruling sa umano’y maling paggamit ni Villanueva ng 2008 Priority Development Assistance Fund (PDAF) nito noong congressman pa lamang.
Sinabi pa ng Ombudsman na ngayon ay tila pinalalabas ni Villanueva na hina-harass ito, politically, hinggil sa kaso.
Aniya, sa loob ng mahabang panahon ay nanahimik ang senador habang si Martires ay naglabas ng desisyon noong 2019 na tila ito lamang at si Villanueva ang nakaaalam.
Tiniyak ni Remulla na hindi pa sila tapos at posibleng i-refile nila ang kaso laban kay Villanueva.
