![]()
Binanatan ng iba’t ibang grupo ng mga negosyante at mga manggagawa ang mabagal na pagtugon ng gobyerno sa korapsyon.
Kasabay nito ay ang paghimok kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gumawa ng mga kongkretong hakbang bago pa umano maubos ang pasensya ng taumbayan.
Sa joint letter ng mga grupo, nakasaad na matagal nang pinapasan ng mga manggagawa at employers ang pagtataguyod sa bansa sa pamamagitan ng pagbanat ng buto at pagbabayad ng buwis.
Dahilan kaya hindi sila maaaring manahimik lamang tungkol sa masakit na katotohanang trilyong piso na ang ninakaw mula sa pondo ng bayan.
Ang mga lumagda sa liham ay kinabibilangan ng business groups na Employers Confederation of the Philippines, Philippine Chamber of Commerce and Industry, at Philippine Exporters Confederation Inc.
Gayundin ang labor organizations na Federation of Free Workers, Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa, at Trade Union Congress of the Philippines.
