dzme1530.ph

Pilipinas, nakiisa sa UN treaty para labanan ang cybercrime

Loading

Lumagda ang Pilipinas sa United Nations Convention Against Cybercrime, bilang isa sa mga unang bansa na nakiisa sa global treaty.

Sa pamamagitan ng tratado, pagagaanin ang cross-border sharing ng electronic evidence at kikilalanin ang non-consensual distribution of intimate images bilang paglabag.

Nagsilbing kinatawan ng Pilipinas si Department of Information and Communications Technology (DICT) Sec. Henry Aguda sa convention sa Hanoi, Vietnam nitong weekend.

Inihayag ng DICT na sa isinagawang negosasyon, isinulong ng Pilipinas ang mas matibay na safeguards para protektahan ang mga bata sa online.

Gayundin ang mas maigting na technical assistance para sa developing nations at balanseng pagtugon sa pagitan ng epektibong pagpapatupad ng batas at proteksyon ng human rights at privacy.

About The Author