![]()
Hiniling ni Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri na dagdagan ang pondo ng Department of Agrarian Reform (DAR) para sa taong 2026, bilang pagkilala sa mahusay na pagpapatupad nito ng mga programa sa pamamahagi ng lupa at tulong sa mga magsasaka.
Iginiit ni Zubiri na kailangang dagdagan ang pondo ng ahensya upang masuportahan ang kanilang mga programa.
Una nang iniulat ng DAR na mula Hulyo 2022 hanggang Agosto 2025, nakapagpamahagi na sila ng mahigit 242,000 land titles na sumasaklaw sa 305,000 ektarya, na nakinabang ang 232,000 agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa buong bansa.
Ipinagmalaki ni Estrella na mula 2022 hanggang kalagitnaan ng 2025, nakapagtapos ang DAR ng 213 irrigation projects at 344 farm-to-market roads (FMRs) na nagbigay ng mas maayos na daan at irigasyon sa libu-libong magsasaka.
Para sa 2026, ₱28 bilyon ang inisyal na hinihiling ng DAR, ngunit ₱17 bilyon lamang ang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM), bagay na nakaapekto sa ilang programa ng ahensya tulad ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT).
Binanggit ni Zubiri na nakikita mismo sa kanyang lalawigan ng Bukidnon ang kakulangan ng pondo, kung saan maraming benepisyaryo ng repormang agraryo ang wala pa ring indibidwal na titulo.
Sinabi ni Zubiri na mas maluwag na ngayon ang fiscal space ng gobyerno kaya posible ang pag-realign ng pondo sa mga ahensyang may malinaw at epektibong resulta tulad ng DAR.
