dzme1530.ph

Mga bagong kautusan sa agrikultura, maituturing na panalo ng mga magsasaka

Loading

Itinuturing ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan na malaking panalo para sa mga magsasaka ang paglalabas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Executive Orders (EO) No. 100 at 101, na layuning palakasin ang sektor ng agrikultura at itaas ang kita ng mga magsasaka sa bansa.

Ang EO No. 100 ay nagtatakda ng floor price o pinakamababang presyo ng pamimili ng gobyerno ng palay, habang ang EO No. 101 naman ay nag-uutos ng ganap na implementasyon ng Republic Act No. 11321 o Sagip Saka Act, isang batas na pangunahing isinulong ni Pangilinan.

Bilang chairperson ng Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform, nakipagpulong si Pangilinan kay Pangulong Marcos at sa iba’t ibang opisyal ng pamahalaan upang itulak ang dalawang kautusan sa gitna ng pagbaba ng presyo ng palay at pagtaas ng presyo ng mga produktong agrikultural.

Sa ilalim ng EO No. 100 (s. 2025), inaatasan ang Department of Agriculture (DA) na magtakda ng floor price sa pagbili ng palay ng gobyerno batay sa gastos sa produksyon, umiiral na presyo sa merkado, at makatarungang tubo para sa mga magsasaka, habang isinaalang-alang din ang kapakanan ng mga konsumer.

Samantala, ang EO No. 101 ay nag-uutos ng buong pagpapatupad ng Sagip Saka Act, na nagbibigay-daan sa mga ahensya ng gobyerno at local government units (LGUs) na direktang makabili ng mga produkto mula sa mga magsasaka at mangingisda nang hindi na dumadaan sa public bidding.

About The Author