Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglulunsad ng Toll Collection System Interoperability Project o “One RFID, All Tollways”, na layuning mapabilis ang biyahe at mabawasan ang traffic delays sa mga expressway.
Ayon sa Pangulo, isang RFID sticker na lamang ang kakailanganin simula ngayon para sa lahat ng toll expressways sa Luzon.
Idinagdag niya na sa susunod na taon ay ilulunsad naman ang sistema para sa group at fleet accounts.
Layunin ng proyekto na magkaroon ng diretso at maginhawang biyahe mula North hanggang South Luzon nang walang abala.
Sa launching, personal na inobserbahan ni Marcos ang online registration process sa mga RFID service providers na Autosweep at Easytrip, at sinaksihan ang pagtanggal ng mga sobra o duplicate RFID stickers sa mga sasakyan upang isang sticker na lamang ang gamitin.