dzme1530.ph

Sen. Lacson, posibleng bumalik bilang pinuno ng Senate Blue Ribbon Committee

Loading

Posibleng mapilitan si Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na muling magsilbi bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na una na niyang binitiwan.

Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, nais pa rin ng mayorya ng mga senador na si Lacson ang mamuno sa komite.

Sa ngayon, sinabi ni Sotto na 50-50 pa ang posibilidad na makumbinsi nila si Lacson para muling pamunuan ang komite.

Kasabay nito, kinumpirma ni Sotto na bukod sa farm-to-market roads, dapat maisama rin sa iimbestigahan ng kumite ang mga natenggang Super Health Centers.

Iginiit ni Sotto na dapat matukoy kung sino ang nagmadaling magpatayo ng daan-daang health centers na hindi naman pala kakayanin ng mga lokal na pamahalaan na patakbuhin.

Tiniyak ni Sotto na tuloy-tuloy ang imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee. Aniya, posibleng maglabas na sila ng initial committee report na isusumite sa Independent Commission for Infrastructure, Department of Justice, at Ombudsman.

About The Author