dzme1530.ph

3 pang Super Health Centers, non-operational sa kabila ng pagkakadeklarang kumpleto

Loading

Tatlo pang Super Health Centers (SHCs) ang natuklasang hindi pa rin operational, sa kabila ng deklarasyon na completed o nasa iba’t ibang yugto na ng completion.

Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, matapos ang pagpupulong ng Department of Health (DOH) sa Independent Commission for Infrastructure (ICI), umakyat na sa 300 ang bilang ng mga nakatenggang SHCs mula sa naunang 297.

Sa kabuuan, mula sa 878 SHCs na pinondohan sa ilalim ng Health Facility Enhancement Program (HFEP) mula 2021 hanggang 2025, 513 ang idineklarang kumpleto na habang 365 pa ang kasalukuyang isinasailalim sa konstruksyon.

Mula naman sa 513 completed facilities, 196 ang operational, 17 ang partially operational, at 300 ang nananatiling non-operational.

Paliwanag ni Herbosa, ilan sa mga nakitang hadlang sa pagpapatakbo ng mga pasilidad ay kawalan ng suplay ng kuryente at tubig.

Dagdag pa nito, nakasaad sa kanilang arrangement na ang mga local government unit (LGU) ang may responsibilidad na magpakabit ng kuryente at tubig, pati na rin mag-hire ng mga tauhang magpapatakbo sa mga health center.

About The Author