dzme1530.ph

Non-bailable cases laban sa mga Discaya, malapit nang isampa –DPWH

Loading

Nalalapit na ang pagsasampa ng pamahalaan ng non-bailable cases laban sa mag-asawang contractors na sina Curlee at Sarah Discaya.

Pahayag ito ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa gitna ng pinalawak na imbestigasyon sa umano’y maanomalyang infrastructure projects at posibleng pagkakaugnay ng mag-asawa sa CLTG Corporation.

Inihayag ni DPWH Secretary Vince Dizon na sinabi sa kanya ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na halos tapos na ang ihahaing criminal cases laban sa Discaya couple, na aniya ay alam naman ng lahat na non-bailable.

Aniya, malapit nang mangyari ang inaasam-asam ng taumbayan na makulong ang mga Discaya, pati na ang mga dating engineer ng DPWH sa Bulacan, dahil sa talamak na pagnanakaw.

Una nang sinampahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng patong-patong na tax complaints sa Department of Justice (DOJ) ang mag-asawang Discaya at isang corporate officer bunsod ng ₱7.1 bilyong unpaid taxes mula 2018 hanggang 2021.

About The Author